Banana is the name. And you are?

- - - - -

Taong mahal mo pero kaibigan lang ang turing sayo? (a.k.a Friendzone ka)

Mahirap magmahal ng isang tao at ang turing lang sayo ay isang kaibigan. Ayun, na-friendzone ka. Saklap lang hanu?

Pero eto ah, may advantage din kasi ang pagiging friendzone mo kasi mas tatagal yung relationship niyo sa isa’t isa. Yun lang e, may mga awkward moments kasi minsan maiisip mo na sana ikaw yung kasama/karamay/kakulitan/etc ng taong mahal mo. Pero teka, ganun din naman ang pwede niyong gawin e. Tanging relasyon niyo nga lang sa isa’t isa e, ‘friends’. Wala kayong commitment sa isa’t isa.

Taong mahal ka pero kaibigan lang ang turing mo sa kanya (a.k.a Friendzone siya)

Eto pa ang isang mahirap na sitwasyon. Kapag may isang taong nagmamahal sayo pero kaibigan lang ang turing mo sa kanya. Ang hirap naman kasi kung ipipilit mo ang sarili mo na magustuhan siya. Kasi kapag ginawa mo yun, parang isang malaking kalokohan na e. Mas mabuti pa ng honest ka sa kanya at friends lang kayo. Mahirap pero dapat gawin kesa naman magkasakitan kayo sa huli..

O yung nagmamahalan kayo pero wrong timing

Eto naman yung maraming ‘sangay’. It’s either nagmamahalan kayo pero wrong timing kasi in a relationship kayo parehas or nagmamahalan kayo parehas (both single) pero hindi niyo pa gusto magcommit. Pwede din yung mahal niyo ang isa’t isa pero wrong timing kasi gusto niyo muna matapos sa pag-aaral. Or kahit ano pang ganito ganyan. >.< Hindi ko na maexplain! Kakainis langs.

2 notes
  1. saginglangangmaypuso posted this
themed by coryjohnny for tumblr